Sunday, October 26, 2008

Ang Gusto Kong Love.

I'm determined to post something today (in order to make it official that I'm back to blogging and that this isn't just another one-post blog!), but my mind is completely blank.

Instead, I'll paste something that isn't mine. Here's something a friend of mine (hi Vince!) shared with me a few weeks back which really, really made my day. Yes, it seems long, but trust me--it's worth the read!

--sinulat ni siege malvar noong 2006--


ang gusto kong love
yung masarap magbigay ng back rub
yung hindi mahihiyang makipaghalikan sa taxicab
yun, yun ang masarap na love.

ang gusto kong love
yung tipong pipigilan ka mag-yosi
di ka papayagang mag-sindi
kaya matututo kang maglumlum ng candy
kasi nga, bawal na sa'yo magyosi

allergic daw siya sa yosi
tapos magmomonologue ng:

“magyoyosi ka na naman? kakayosi mo lang, ah.
nagyosi ka na nga bago kumain
magyoyosi ka pa pagkatapos kumain.
pang-apat na stick mo na yan
akala ko ba sabi mo di ka na magyoyosi?
di mo ata ako love, eh.”

pero actually
lahat ng tao sa bahay nila, adik sa yosi
nanay niya, tatay niya, mga kuya niya
allergy-allergy
meron bang allergy sa yosi?
alam niyo yun, yung tipong
gusto niya lang masabi ng mga tao na
“o kita niyo, napasunod niya yung boyfriend niya”
yung tipong ganun ka-controlling
yun. yun ang tipo kong love
medyo controlling.

ang gusto kong love
yung hindi mahihiyang magpalibre
kahit compared sa'yo, yung allowance niya doble
yung pag manonood kayo ng sine
hinding-hindi maglalabas ng wallet
hihintayin kang magbayad para sa ticket
kaya kahit para sa bulsa mo masakit
iisipin mo nalang

“ayos lang, love ko naman
pero sana,
siya naman gumastos paminsan-minsan.”

yung tipong ganun na love
kasi feeling ko, pag nahihiya siya gastusin ang pera mo
nahihiya rin siyang tanggapin ang love mo
yun. yun ang tipo kong love.
medyo magastos.

ang gusto kong love
yung tipong pagkasama niyo ang barkada mo
biglang makikipagkwentuhan sa'yo tunkol
sa mga topics na hindi naman alam ng barkada mo
para lang ma-alienate ang barkada mo
and just to show it to them na
meron na kayong sariling mundo
yung tipong biglang makikipagkwentuhan sa'yo
tungkol sa plans niyo na mag-out-of-town this summer
o kaya tungkol dun sa movie date niyo
na as usual ay ikaw ang nagbayad
so hindi tuloy makakasabay yung mga barkada mo sa usapan
dahil kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan
kaya susubukan mong ibahin ang topic
pero ibabalik niya dun sa plano niyong
pumunta ng Subic
o kaya bigla niyang maiisipan na i-update ka
tungkol sa buhay-buhay ng mga friends niya
kaya yung mga friends mo, naka-tanga
kasi kayong dalawa lang ang tawa ng tawa
yun. yun ang tipo kong love.
medyo elitista.

ang gusto kong love
yung mumurahin ka sa text pag hindi ka nakapagreply
kasalanan mo bang maubusan ng load
sa gitna ng immersion niyo sa Sitio Payonggayong
sa gitna ng Mindoro Occidental?

(tunog ng text: tutututut-tututut)

“Hi, LOVE. WHAT R U DOING?”

(tunog ng text)

“HEY, BAKIT DI KA REPLY. SAD FACE.”

(tunog ng text)

“HMPH. BUSY KA ATA. SIGE GUDNAYT NA.”

(tunog ng text)

“P########MO HAY## KA. I HATE YOU. I HATE YOU. I HATE YOU. I HATE
YOU. OK FINE, WAG KA MAGREPLY. NAGSESEX KAYO NO? NAGSESEX KAYO NO? P### KA. G#G#!”

(tunog ng text)

“Hoy. Sorry na. Ikaw kasi eh. Di ka nagrereply. Sorry po.
Mwah.”

yung tipong ganun
yung tipong kaya naimbento ang Sun Cellular
para sa ganung klase ng love
yung tipong ganun na love
yun. yun ang tipo kong love.
medyo demanding.

ang gusto kong love.

ang gusto kong love yung pag nasa simbahan kayo
sa gitna ng misa
uutusan kang mag-flex ng bicep mo
tapos pagpapraktisan ng suntok niya
palakas ng palakas, tapos magtatanong pa

“masakit ba?”

ikaw naman, parang tanga

“hindi, sige, lakasan mo pa.”

pero sa totoo lang, naiiyak ka na
kasi mga muscles mo namamaga na
hanggang bukas, braso mo manhid pa
yun. yun ang tipo kong love.
medyo mahilig sa boxing.

ang tipo kong love
yung makikipag-agawan pa para sa last piece of pizza
yung kinikilig pag ika’y kumakanta
yung ang tawag sa mommy mo, “tita”
yung memorized ang schedule mo every semester
yung alam kahit na plate number ng kotse ng kuya mong Wheelers International Member
yung makikiprint ng thesis niya
tungkol sa POSTMODERN THEORIES ON THE TRI-MEDIA
kasi nanghihinayang daw siya
baka daw maubos ang ink nila
yung tatanungin ka kung sino ang mas gusto mo ma-i-kama
siya ba o si Jen Rosendhal ba?
tapos maiinis pag sumagot ka
naman, si Jen yun eh. ano naman ineexpect niya?

ang gusto kong love?
yung sa akin lang siya in-love.

8 comments:

Anonymous said...

yun din ang gusto kong love. kaya lang hindi na pwede kasi my love na ako.

nice way to start your blog ( i mean, well, ah, this is your second post right?) but anyway, love's a topic that is nice to use as your topic for your blog (doesn't make sense..me i mean...not your blog)

Wenkgirl. said...

hahaha! ewan!!! :P

Anonymous said...

Thanks for the credit! I really appreciate it. :)

Wenkgirl. said...

You're welcome!!! And thank you for visiting my blog!!! :D

Anonymous said...

Oh my wenk! natawa ako sa poem! ang cute! thanks for sharing kris!

Kai said...

natawa din ako. salamat pauline.

Yin said...

panalo 'to!

Siege Malvar said...

btw, i performed this recently. :) There's a video in my facebook. Add me up! http://www.facebook.com/siegemalvar